Friday, 11 August 2017


Pagpapahayag ng damdamin (emotive)
-pagpapahayag ng mga saloobin
-Ang paggamit ng padamdam (!) bilang 
hudyat ng matinding damdamin. 

   Halimbawa :
 *Paghanga : wow! Naks, ha! Ang galing! 
 *Inis/galit : Buwisit! Nakakainis! Ano ba!!!!! 

Paghihikayat (conative)
-ito ay ginagamit upang mag-utos, maghikayat o
magpapakilos ng taong kinakausap. 
   
   Halimbawa :
 *Bilisan mo maligo! 
 *Bumili ka ng burger! 


Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) 
-ginagamit ng wika bilang panimula ng isang 
usapan o pakikipagugnayan sa kapwa. 

  Halimbawa :
 *kamusta? 
 *san ka nanggaling? 

Paggamit bilang sangunian (Referential) 
-ito ay ang paggamit ng wikang nagmula 
sa aklat. 

  Halimbawa :
 *Dyaryo, magazine atbp.

Pagbibigay kuro-kuro (Metalingual) 
-pagbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay.

  Halimbawa :
 *pagpapahayag ng sariling saloobin sa isang 
particular na bagay. 

 Patalinghaga (Poetic)
 -isang masining na paraan sa pagpapahayag 
gaya ng sanaysay atbp. 

  Halimbawa :
 *Tula tungkol sa pag-ibig, buhay atbp. 

Wednesday, 9 August 2017



4. Impormatibo :
 Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. 
 Halimbawa :
 * pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel
 *panayam at pagtuturo. 


5. Regulatoryo :
     Pagcontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling salita,  pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. 
 Halimbawa :
  *pagbibigay direksiyon , pagtuturo ng lokasyon,  pagbibigay alala o  babala. 


6. Instrumental :
 Pagtugon sa mga liham, pangangalakal (business letter) 
 Halimbawa :
   *pamamaraan upang matugunan ang ating iba't-ibang pangangailangan
   *kapag kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter bukod sa iba pang requirements. 


Personal

1. Personal :
    Ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.  
 *Pasalita 
       Pagtatapat ng damdamin sa isang tao katulad ng pag-ibig. 
       Pakikipag-usap sa mga kaibigan. 

                                              *Pasulat 
                                                 Editoryal
                                                 Liham sa patnugot    
  

 2. Heuristiko :
   Ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.  
   Katulad ng pag-iinterbyu sa mga tao , pakikinig ng radyo, at panonood ng telebisyon.             

 *Pagbabasa ng pahayagan
 
                          *Mga aklat kung saan
                            nakakakuha tayo ng mga
                            impormasyon        
                                                                    
                                         

  3. Interaksyonal :
    Ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Nakikipag palitan ng kuro-kuro sa mga paksang pinag-uusapan. 
        Halimbawa 
 *pakikipagbiruan, 
 * pakikipagpalitan ng kuro-kuro
tungkol sa partikular na isyu